» 
 » 
Inang Laya - Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa



Текст песни Misc Unsigned Bands - Inang Laya - Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa

Inang Laya - Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa
Misc Unsigned Bands
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Andres Bonifacio / Inang Laya

http://youtu.be/W4Q0EEGA6rc

Capo 3

-
--

              -             
Aling pag-ibig pa   ang hihigit kaya
            -        
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
              -
Aling pag-ibig pa 
Wala na nga, wala

              -           
Walang mahalagang  hindi inihandog
Ng may pusong wagas 
Sa bayang nagkupkop
Dugo, yaman, dunong, katiis at pagod
               -           
Buhay ma'y abuting     magkalagot-lagot

Ang nakaraang  panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
           -           
Ng pagkatimawa   ng mga alipin
                             -
Liban pa sa bayan, saan tatanghalin

Sa abang-abang   mawalay sa bayan
                              -
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay
Walang alaala't  inaasam-asam
                              --
Kundi ang makita'y lupang tinubuan

Kayong nalagasan  ng bunga't bulaklak
                 -            
Kahoy niyaring buhay na nilanta't sukat
Ng bala-balaki't, makapal na hirap
Muling manariwa't    sa baya'y lumiyag

Ipakahandug-handog   ang buong pag-ibig
Hanggang sa may dugo'y   ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol buhay ay kapalit
Ito'y kapalaran    at tunay na langit

              -             
Aling pag-ibig pa   ang hihigit kaya
                        -
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa 
              -
Wala na nga, wala
https://lyrics.primanota.net/misc-unsigned-bands/inang-laya-pag-ibig-sa-tinubuang-lupa.htm