Текст песни Христианские песни - Awit Paghilom

Awit Paghilom
Христианские песни
Capo 1

 Panginoon ko, hanap-hanap Ka ng puso, 
 Tinig Mo'y isang awit paghilom. 

 Ang baling ng aking diwa ay sa'Yo. 
 'wag nawang pababayaang masiphayo. 
 Ikaw ang buntong hininga ng buhay. 
 Dulot Mo'y kapayapaan, pag-ibig! 

 Panginoon ko, hanap-hanap Ka ng puso, 
 Tinig Mo'y isang awit paghilom. 

 Ako'y akayin sa daang matuwid. 
 'wag nawang pahintulutang mabighani 
 Ng panandalian at h'wad na rilag. 
 Ikaw ang aking tanging tagapagligtas! 

 Panginoon ko, hanap-hanap Ka ng puso, 
 Tinig Mo'y isang awit paghilom. 

 Sigwa sa 'king kalooban 'Yong masdan 
 Pahupain ang bugso ng kalungkutan. 
 Yakapin ng buong higpit 'Yong anak, 
 nang mayakap din ang bayan Mong ibig! 

 Panginoon ko, hanap-hanap Ka ng puso, 
 Tinig Mo'y isang awit paghilom.
https://lyrics.primanota.net/xristianskie-pesni/awit-paghilom.htm