Текст песни Христианские песни - Diyos Ay Pag-ibig

Diyos Ay Pag-ibig
Христианские песни
Pag-ibig ang siyang pumukaw 
 sa ating puso at kalul'wa. 
 At siyang nagdulot sa ating buhay 
 ng gintong aral at pag-asa. 

 Pag-ibig ang siyang buklod natin, 
 di mapapawi kailan pa man. 
 Sa puso't diwa, tayo'y isa lamang, 
 kahit na tayo'y magkahiwalay. 

KORO: Pagkat ang 'yos nati'y 'yos ng pag-ibig, 
      Magmahalan tayo't magtulungan at kung tayo'y bigo 
      Ay h'wag limutin na may Diyos tayong nagmamahal. 

 Sikapin sa ating pagsuyo, 
 ating ikalat sa buong mundo: 
 Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop sa 
 bawat pusong uhaw sa pagsuyo. 

Wakas: Diyos ay pag-ibig, Diyos ay pag-ibig, 
       Diyos ay pag-ibig.
https://lyrics.primanota.net/xristianskie-pesni/diyos-ay-pag-ibig.htm